Hi mga repa peeps!

Matagal tagal na ding walang post sa website na to. Ano na nga ba ang balita?

Last February, nagkita kami nila Jonjon at Robert at pumunta sa Vivere Hotel sa Alabang para makipag usap sa Kano na boss ni Robert, sideline project sana - website. Kaya lang di natuloy, nagkaron ng di pagkaka unawaan. Yaan mo na, at least libre ang hapunan namin sa taas ng Hotel na overlooking < nun lang ako napunta dun, hehe >.

Makalipas ang ilang araw, nagkita naman kami nila Eman at Mack dito sa bahay nila sa baba ng tinutuluyan namin <dito kasi kami kina Mack nangungupahan>. May kasiyahan yata sila, di rin naman ako nakihalubilo sa kanila, outcast kasi ako.

Last Feb 27 naman, nagkita kami ni Sir Rod Garcia sa Glorietta, kakagaling lang nya ng Chicago. Nagkataon na nakapag pabili ako sa kanya ng PDA Phone (htc tytn), kaya ayun, dun nya binigay sakin. Binili ko lng ung phone na yun dahil mahal sya dito, kaya ang plano ko sana, ibuy and sell.

Kinabukasan, Feb 28 nagkita naman kami ni Kuya Marvin (Marvin Castro), umatend ako sa Freshmen ball ng school nila (The Fisher Valley College). Nagkataon kasi na nun din ung launching ng School website ng Fisher Valley College na ako ung gumawa <yabang>. Mejo di pa tapos, kulang pa kasi ung ibang sections, wala pang contents.

Ano pa nga ba? Malapit na pala birthday ko, 1 month na lang. Kaya lang wala na siguro happy happy tulad ng dati. Expectant na kasi si Len, lalabas na si Jacob Benedict sa June. Kaya kailangang kumayod ng husto.

Kayo din, kwento naman kayo kng ano mga latest sa inyo… Ciao!